Nang una kang makilala ay nabighani mo na
Ang puso kong tunay kung umibig sinta
Taglay mo kasi ay sadyang kakaiba
Kaya naman ako sayo’y natataranta
Puso mo man ay walang umaangkin
Puso ko naman ay kailangang magpigil
Dahil pagkakaibigan ay baka matigil
Kung pag-ibig ko ay sa’yo ipararating
Mabuti na ang umibig ako ng patago
Dahil sa’yo baka ako ay mabigo
Sapat na ang mga araw na lagi kang kasama
Kabiruan, kakwentuhan, kasama sa lakwatsa
Sana sa tulang ito ay aking maiparating
Sa isang kaibigan ang lihim kong pagtingin
Dahil kung kanyang malalaman ang nais kong sabihin
Sapat na iyon, ano man ang maging dating
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment