Monday, July 28, 2008

Ikaw

Isang taon na pala ng ika’y aking makilala
Ikaw ang nagbigay dahilan para ako’y sumaya
Dati ako noo’y umiiyak at laging nag-iisa
Naging normal ang aking buhay ng makasama ka

Ikaw ang dahilan sa bawat ngiti sa labi ko
Kahit madalas maalala mga pasakit na dinanas ko
Lahat ay aking nakaya buhat ng makilala ka
Ngunit ako ngayo’y iniwan mo muli na nag-iisa

Nagbago ka man at lumayo ng tuluyan
Ako’y patuloy na aasahang muli mong babalikan
Mga pangarap ko ay ‘di man nabigyan ng katuparan
Mananatili kang mahal at laman ng aking puso’t isipan




Billy07252008
2115



I wrote for Jeanne Markgraf. Her bulletin from friendster is my inspiration in doing this poem.


(Jean’s friendster bulletin posted last july 22, 2008)
...!t was july 22 when the night !s still young...!ts been a year mula ng makilala k!ta...!t all started w!th a s!mple h! hello's...normal na sa buhay ko ang umiyak @ mag!sa,but when you came hnd ko maitatangg!ng nag!ng dah!lan ka ng mga ng!t! ko...even the pa!nful part of your memor!es makes me sm!le everytime i remember...nagbago ka man @ kahit ano pa man ang nag!ng kapal!t ng pagmamahal ko sau...nagal!t man ako...! st!ll want you to be truly happy...! always ask HIM for your safety & guidance...lagi k sana mgiingat...

pag-ibig na nga

ano kaya itong nararamdam ko
tila pag-ibig ngunit hindi sigurado
sa bawat umaga na gumigising ako
mukha mo ang siyang hinahanap ko

sa bawat lugar na aking puntahan
nagbabaka-sakali na ika’y madatnan
ngunit tila ika’y tuluyang lumayo
hindi man lang nasabi tibok nitong puso

pag-ibig na nga ang aking nararamdam
dahil mga tanong ay di alam ang kasagutan
tibok ng puso ay laging iyong pangalan
mga alaalang kasama ka ay binabalikan

ako’y maghihintay na muli kang dumating
laging aasang puso mo’y walang nag-aangkin
pagka’t ang ibigin ka ay ang tanging hiling
nitong puso kong matagal mo nang alipin


Billy07252008
2037