Monday, July 28, 2008

pag-ibig na nga

ano kaya itong nararamdam ko
tila pag-ibig ngunit hindi sigurado
sa bawat umaga na gumigising ako
mukha mo ang siyang hinahanap ko

sa bawat lugar na aking puntahan
nagbabaka-sakali na ika’y madatnan
ngunit tila ika’y tuluyang lumayo
hindi man lang nasabi tibok nitong puso

pag-ibig na nga ang aking nararamdam
dahil mga tanong ay di alam ang kasagutan
tibok ng puso ay laging iyong pangalan
mga alaalang kasama ka ay binabalikan

ako’y maghihintay na muli kang dumating
laging aasang puso mo’y walang nag-aangkin
pagka’t ang ibigin ka ay ang tanging hiling
nitong puso kong matagal mo nang alipin


Billy07252008
2037

No comments: