Wednesday, August 20, 2008

Tag-init

Heto na muli ang init ng araw
Tila apoy na dumadampi sa katawan
Bawat kilos ay tila di mapakali
Dahil sa pawis mula sa kili-kili

Gulaman at sago ay hanap ng lalamunan
Upang mapawi ang matinding uhaw
Kung wala naman tubig na lang kaibigan
Lagyan lamang ng yelo para ako’y masiyahan

Tubig sa batis nais kong puntahan
Upang doon ay matatampisaw
Tindi ng init ay malalampasan
Basta’t maibabad lang aking katawan



Billy07302008
0109

Tagong Pag-ibig

Matagal na panahon ko itong itinago sa’yo
Pagkat ayaw kong malayo sa piling ko
Kahit nahihirapan pinilit kong ikinubli
Huwag lamang mawalay sa iyong tabi

Mahal na kita simula noon pa man
Ngunit takot na iyo itong malaman
Batid ko na ako’y hanggang kaibigan lang
Kaya minabuti kong itago aking nararamdaman

Sa tuwing katabi ka ako’y masaya na
Kahit iba ang laman ng puso mo sinta
Kaya kong itago lihim na pagtingin
Huwag lamang lumayo sa aking piling

Ang ibigin ka ng patago sa akin ay sapat na
Pagkat alam kong puso mo’y may laman na
Hindi man ako iyon, ayos na sa akin sinta
Dahil madalas naman kitang kapiling sa twina



Billy08142008
1649

Amats

Sabado na naman, araw na pinakaaabangan
Pagkat mga barkada ay muling masisilayan
Mga utos ni sajangnim ay muling maiiwasan
Pagod sa mabigat na trabaho ay maiibsan

Dito sa rasung mga kaibigan ay nagkalat
Kaya sa mga tagay ay di ka makakaiwas
Kahit anong tago ay di pa rin makaligtas
Patayin man ang cellphone di pa rin ligtas

Mula Soju, mekju, tekila, hanggang fundador
Kahit chichiriya ang pulutan ay solve na Tol
Katapusan man ang sahod at mabawasan ang ipon
Basta’t kasama ang barkada, problema’y maputol

Abutin man ng siyam-siyam, daan pauwi ay di matandaan
Sa sobrang kalasingan, madalas away ay hanap sa daan
Kaya naman kinabukasan mori apo ka kaibigan
Pati tuloy barkada mo halos mailagay sa kapahamakan

Konting payo lang kung mag-iinom ka minsan
Kung di na kaya ay ‘wag ng pilitin kaibigan
Pagkat di mo alam ang iyong kahihinatnan
Baka mga barkada ay iwan ka nalang kinabukasan


Billy08012008
0833

Muli

Ang mundo kong ito ay tila di na iinog pa
Pagkat inalisan mong umibig sa’yo sinta
Pagmamahal ko sa’yo ay tinalikuran mo na
Ngayon ang isip at damdamin ko’y gulo sa twina

Buhat ng lisanin mo ang puso kong ito
Nais kong tapusin ang buhay sa mundo
Pagkat sa’yo lang nais ialay ang puso ko
Paano iyon gagawin gayo’y puso mo’y bato

Dalangin ko sa maykapal na muli mong mahalin
Kahit anong hirap lahat ay aking kakayanin
Kahit anong pasakit ay kaya kong tiisin
Basta’t ipangako lang na ako’y muling iibigin

Batid kong balang araw ika’y muling magbabalik
Kaya naman ang puso ko sayo ay nasasabik
Nais kong maramdaman mga yakap mo’t halik
Mga labi ko’y maghihitay sa pagdampi muli ng iyong bibig.

AFC

Parang kailan lang samahan ng AFC ay nabuo
Hindi namamalayan taon ay mabilis na tumakbo
Ngayon ika’y nagdiriwang ng anibersaryo
Sa piling ng mahal at kapwa mo Pilipino

AFC sadyang ika’y sobrang matatag
Ilan taon na ang nagdaan ngunit di ka pa rin natitinag
Madami man na problema sa’yo ay dumating
Hindi ‘yun naging hadlang upang tuktok ay marating

Ano nga bang sekreto at nagtagal ka ng ganito?
Maging mga nasasakupan ay humahanga sa’yo
Pagkat taglay mo ang tunay na liderato
Kaya naman lahat sila nabighani ng puso mo

Mahaba pang taon ang hiling ko sa Maykapal
Upang marami ka pang kapwa na matulungan
Pagkat sa piling mo pamilya ang pakiramdam
Kaya hiling ko rin na lalo ka pang magtagal


Billy08142008
1711