Wednesday, August 20, 2008

Muli

Ang mundo kong ito ay tila di na iinog pa
Pagkat inalisan mong umibig sa’yo sinta
Pagmamahal ko sa’yo ay tinalikuran mo na
Ngayon ang isip at damdamin ko’y gulo sa twina

Buhat ng lisanin mo ang puso kong ito
Nais kong tapusin ang buhay sa mundo
Pagkat sa’yo lang nais ialay ang puso ko
Paano iyon gagawin gayo’y puso mo’y bato

Dalangin ko sa maykapal na muli mong mahalin
Kahit anong hirap lahat ay aking kakayanin
Kahit anong pasakit ay kaya kong tiisin
Basta’t ipangako lang na ako’y muling iibigin

Batid kong balang araw ika’y muling magbabalik
Kaya naman ang puso ko sayo ay nasasabik
Nais kong maramdaman mga yakap mo’t halik
Mga labi ko’y maghihitay sa pagdampi muli ng iyong bibig.

No comments: